Nabasag ang katahimikan ng buong mundo, at muli na namang tumatak sa isip at puso ng bawat tao sa mundo, at ito'y hindi makakalimutan ng lahat, ang 9/11 Terror Attack. Matapos ang sampung taong pagkikipaglaban sa terorismo at mga naging utak ng krimen, nakamit na ba ang tunay na hustisya?
Setyembre 11, 2001, 8:46am , habang may ginagawa ang lahat, niyanig ng isang pagbagsak ng dalawang eroplano sa Twin Tower sa World Trade Center, ang akala nang lahat na isang aksidente ang nangyari, ngunit nabasag ang kanilang katahimikan nang mabalitaan nila ang bawat pag-bagsak ng eroplano. Ang pinaka-gagimbal na pangyayaring yumanig sa puso't diwa ng tao sa mundo, ang pagbagsak ng eroplanong United Airlines Flight 93, ang eroplanong ito ay na-hijack ng mga terorista at balak sanang pagbagsakin ito sa White House, ang official residence ng US President, ngunit natigil ang kanilang maitim na balak nang manlaban ang mga crew at pasahero ng eroplano upang agawin ang kontrol ng eroplano, resulta, ang eroplano ay bumagsak sa lugar ng Shanksville, Pennsylvania, walang nakaligtas kahit isang tao sa nangyaring pagbagsak, kaya naman ang pamahalaan ng Amerika ay kinilala ang mga namatay sa Plane Crash bilang mga bayani. Sa pangyayaring ito, 2,977 (+19 hijackers) ang namatay at higit 6,000 tao ang nasugatan sa nasabing trahedya. Sinasabing ang Al Qaeda terrorism group ang may pakana ang trahedya at si Al Qaeda leader Osama Bin Ladden naman ang sinasabing "mastermind" sa trahedya. Pagkatapos ng labindalawang oras na trahedya, nagsalita ang dating pangulo ng Amerika na si George W. Bush habang siya'y nasa isang paaralan, ayon sa kanya, ang trahedyang ito ang simula ng kampanya kontra terorismo, at sa bagong administrasyon ni Obama, nagpatuloy ang kampanya kontra terorimo, at noong Mayo 2,2011, kasaysayan ang nagsabi, napatay ng mga US Navy Seals si Osama Bin Ladden, matapos ang ilang taong pagtatago, ayon sa isang informant, sa isang hideout sa Abotabad sa bansang Pakistan, nagtago si Bin Ladden, naghanda ang lahat sa operasyon, dalawang bala ang tumama sa ulo ni Bin Ladden kasamang namatay ay ilan niyang kasamahan, at siya'y inilibing sa dagat, ang kamatayan ni Bin Ladden ay nagsilbing ilaw sa pagkuha ng hustisya sa kanyang ginawa noong 9/11 attacks. Ang aksyon ng Amerika, ay hinangaan ng buong mundo kasama na riyan ang Pilipinas.
Tayo bilang isang mamamayan ay may kakayahang puksain ang elementong terorismo, ngunit sa ang pinakamahalagang dapat gawin ay mag-ingat dahil sa ating pagiging alerto, bawat masamang plano ay maaring titigil. Ang blog na ito ay bilang pag-alaala sa mga nasawi na mahal sa buhay sa 9/11 Terror Attack.
Article/Blog Created: September 11,2011
Source website: http://en.wikipedia.org/wiki/September_11_attacks and youtube.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento