Miyerkules, Setyembre 14, 2011

Ano ang mas pagtuunan ng pansin: Freedom of Infor. Bill o Wikileaks Phil. website?

                               Ilang pangulo na ang nagdaan, ngunit ang ito ay hindi pa rin naipapasa, ikumpara naman natin sa Amerika, nabubunyag ang bawat galaw ng pangulo, ang unang pangungusap ay tumutukoy sa Freedom of Information Bill at ang isang pangungusap naman ay tumutukoy sa website ng Amerika na wikileaks. Tanong tuloy ng marami at maging ang media na nag-dadalawang isip, ang kaya ang mas magandang pagtuunan ng trabaho, ang pagpasa ng FOI o gumawa ng website ang bansa na tututok sa bawat galaw ng lider ng bawat bansa. Suriin at bigyan ng katayuan kung ano ang mas dapat sa larangan ng impormasyon; ang FOI ba o ang Wikileaks? 
                                    Ang kasaysayan ng FOI; ang FOI o Freedom of Information Bill ay kilalang tawag sa HB 3732. Ayon sa Section 7 ng Bill of Rights ng 1987 Constitution: 

   "“The right of the people to information on matters of
public concern shall be recognized. Access to
official records, and to documents, and papers
pertaining to official acts, transactions, or decisions,
as well as to government research data used as
basis for policy development, shall be afforded the
citizen, subject to limitations as may be provided by
law.”

  Ayon kay Malou Mangahas, pinuno ng  Philippine Center for Investigative Journalism, ang FOI ay hindi lang pagbibigay ng impormasyon para sa taumbayan ang tunay na kalagayan ng ating bayan kung hindi ito rin ay isang mabigat na trabaho ng media sa Pilipinas, halos 90 na bansa sa buong mundo ang may ganito nang batas. Kamakailan lang sa Investigative Documentaries na ang special episode ay tungkol sa Freedom of Infromation Bill, dito mo rin malalaman ang tungkol sa ating binabayarang buwis at kung saan napupunta dahil tayo rin ang nagtataka kung bakit patuloy pa rin tayo naghihirap at tayo rin ang nagbabayad ng buwis, at inilarawan din ng batikang mamahayag na si Sheila Coronel, ang kalagayan ng bansa noong panahon ni Marcos nang siya'y magdeklara ng Batas Militar, halos lahat ng mapagkukunan ng impormasyon ay ipinasara tulad ng radyo at istasyon ng telebisyon at noon ay hindi pa nauuso ang internet. Masayang balita para sa ilang myembro ng media ang pagsuporta ni Pnoy sa FOI dahil ayon sa kanya, ito lang daw ang nakikitang solusyon para sa isang matuwid na daan. Ayon naman kay Pnoy, ginagawa naman nila ang lahat para bigyang impormasyon ang taumbayan sa kanyang panunungkulan, tulad ng website na kanyang ginawa. Maraming umaasang Pilipino at maging ang Media na sana ito'y maipasa sa administrasyon ni Aquino. 
                   Ang wikileaks naman ay isang website na hindi myembro ng organisasyong pang-gobyerno, ang tanging ginagawa lang nito ay naglalahad o nag-pa-publish ng mga sekretong dokumento ng gobyerno, ito ay itinatag ng editor-in-chief ng website na si Julian Assange noong October 4, 2006. Sa kasalukuyan ay aktibo pa naman ito. Ayon sa artikulo na tungkol sa Wikileaks, ang layunin nila ay sa ganitong linya: "WikiLeaks states that its "primary interest is in exposing oppressive regimes in Asia, the former Soviet bloc, Sub-Saharan Africa and the Middle East, but we also expect to be of assistance to people of all regions who wish to reveal unethical behavior in their governments and corporations." Lumabas kamakailan sa mga news agencies ng Pilipinas, na si dating pangulong FVR ay nakatanggap ng election funds galing sa dating Libyan leader Muamar Gaddafi, ang pagtanggap ng election funds ay isa rin sa paglabag sa patakaran ng eleksyon, at ang impormasyon na ito ay galing sa wikileaks, at ang balitang ito ay nakuha ni Senadora Miriam Santiago, ang dating kalaban ni FVR sa pagkapangulo noog 1998, at inakusaan si FVR ang tungkol sa balita ng wikileaks na agad naman tinanggihan ni FVR. Ano nga ba ang mas matimbang pagdating sa larangan ng impormasyon; ang FOI ba o ang Wikileaks?
                      Ayon kay Ms. Jennifer Banez, guro sa Bagong Silang High School sa Journalism, ang wikileaks kapag nagpahayag ng masama sa gobyerno, hindi mo malalaman kung ang may sabi ng ganun pahayag dahil sa kawalan ng server information nito kaysa sa FOI sa ganun sitwasyon ay malalaman kung sino ang gumawa ng artikulo na iyon, at ang kanyang inaalala ang tungkol sa Pangaabuso sa kapangyarihan ng mga media na baka siraan nang siraan ng gobyerno hanggang sa masira ang tiwala ng taumbayan ang gobyerno. At ayon din kay Luchi Cruz-Valdez, ang hepe ng News5 na pinamamahalaan ng TV5 Network, "FOI is definitely better. Info comes from official source itself". Ngunit ang mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang gobyerno ay tungkol sa FOI, bakit? Dahil dito malalaman ng taumbayan, kung saan napupunta ang kanilang binabayarang buwis at kanilang plataporma, hindi pa sapat ang mga websites sa internet na ginawa para sa taumbayan. Ngunit ang mas mahalaga ay magsipag ang mga Pilipino, dahil higit pa sa impormasyon ang kakailanganin sa ating buhay at nasa kabataan ang simula ng pagbabago, dahil sa aking pananaw ang pagiging tamad ng tao ang nakikita kong dahilan kung bakit tayo naghihirap. At para sa gobyerno, ipasa sana sa lalong madaling panahon ng batas na ito, dahil ang impormasyon ang magiging kaakibat sa buhay ng bawat Pilipino, hindi na kailangan ng sekreto tungkol sa plataporma, siguro naman sa aking pananaw kapag nalaman ang tao ang bawat plataporma ng gobyerno ay mabibigyan ng opinyon at suwesyon tungkol sa plataporma. Halimbawa, ang gobyerno ay maglalaan ng higit P60B budget para sa edukasyon, kapag ang taumbayan lalo na ang estyudante ay nalaman ang balitang ito, hihilingin nila sa gobyerno na dagdagan kahit kaunti ang budget para sa edukasyon dahil ang estyudante na mismo ang nagsabi, na kulang na kulang sila sa pasilidad at mg gamit sa paaralan. Sana ikaw rin, ay maging kabahagi ng aming kampanya sa pagpasa ng FOI, bilang isang kabataang Pilipino. Sa pagbasa ng blog na ito, ano sa tingin ang mas magandang pagkunan ng taumbayan ng impormasyon; Ang FOI ba o ang Wikileaks? Maraming salamat sa pagbasa ng blog na ito. 

Source: http://docs.google.com/viewer?a=v&q=cache:zeG17KECnzsJ:www.minimalgovernment.net/media/atin_20090714.pdf+freedom+of+information+bill+hb+3732&hl=tl&gl=ph&pid=bl&srcid=ADGEESjvhNepXsn0HIx0SBMRF1DQhbNmzSePWz8s7gEpAiZt3aAr8kJNKud7HMFrLFJFfDMbiVI3OfREqkDv1RO2fiRG4LLJhErK46RTaMwq7oKlZ47vrVWec7cOiDFp5g0kMqbBT4pT&sig=AHIEtbQzHPMA8-kyjsab2TKKbIVsVfL3Iw&pli=1 

http://en.wikipedia.org/wiki/WikiLeaks 

Mentioned People: Ms. Luchi Cruz-Valdez and Ms. Jennifer Banez



                             Si Julian Assange, ang editor-in-chief ng wikileaks at nagtatag ng website 
  Ang kampanya para sa agarang pagpasa sa FOI
                                       
                                                                Ang logo ng wikileaks

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento