Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Panahon ng bagyo......

                                   Kamakailan lang ay narasanasan ng ating mga kababayan ang bagsik ng iniwang pinsala dulot ng nagdaang Bagyong Pedring at Quiel. Halos P10B na sa agrikultura at halos P5B naman sa imprastraktura ang nasira ng dalawang bagyong ito habang higit sa 70 katao ang namatay. Bakit nga ba tayo nagiging matigas ang ulo pagdating ng nakakatakot na kalamidad? 
                                      Unang dahilan, dahil sa takot, baka raw kasi manakawan ng mga kawatan ang kanilang bahay at iba pang mahahalagang gamit tulad ng alahas at ikalawa dahil nadoon sa lugar nila ang kanilang ikinabubuhay tulad ng pagsasaka. Sino nga ba ang dapat sisihin sa pangyayaring ito? Sa aking opinyon, dapat ang mismong tao ang dapat sisihin kung bakit dumudoble ang pinsala ng iniwan ng bagyo at kalamidad, simple lang ang kanilang gagawin, sumunod sa mga rescue workers, lisanin ang bahay hanggat maari para hindi maabutan ng baha. Tsaka, hagga't maaari ipabantay sa mga otoridad ang iyong bahay upang hindi mangyari ang kanilang kinatatakutan. 
                                             Ano nga ba ang mismong gagawin ng taumbayan upang sila'y maging ligtas sa kalamidad? Una dalhin ang mga pagkaing magtatagal lang ng tatlong araw tulad ng sardinas, ikalawa, dalhin ang de-beteryang materyal tulad ng radyo at dalhin na rin ang sobrang baterya nito, ikatlo, dalhin na rin ang mga first aid kit, laruan at libro , pera , mahahalagang dokumento , damit , tubig at materyal na komunikasyon tulad ng cellphone. At higit sa lahat na pwedeng gawin, ay humanda kung sakaling nandyan na ang kalamidad at huwag mag-panik at kung nandyan ng ang rescue team sumunod na sa kanila papunta sa evacuation center. Simple lang ang dapat gawin , sundin at isapuso upang tiyaking ligtas at nasa mabuting kondisyon ang iyong pamilya.  

                   Magandang Araw po. 


Blog article created by: Gil Mar Moriones

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento