Linggo, Oktubre 2, 2011

My Teacher My Hero

                          Sila ang bumubuo sa ating araw. Hindi buo ang ating pagkatao kung sila'y wala at higit sa lahat, hindi na natin mararating ang ating mga pangarap kung wala sila, sila na itinuturing bilang ikalawang magulang natin, ang guro. Ano nga ba ang guro? Ang guro ay isang tao mapa-babae man o lalake, ay may mahalagang tungkulin sa lipunang kinabibilingan natin ngayon. Iyon ay ang maglingkod at bigyan kung ano ang tama at mali sa mga bata at ituwid ang kanilang landas tungo sa kanilang mga pangarap. At bilang pangaral para sa kanila, ang pamahalaan ng Amerika, ay nakaisip ng isang paraan kung paano pasasalamatan ang itinuturing nilang bayani, ito ang World Teacher's Day. Nagsimula ito noong ika-5 ng Oktubre, 1994. Nakilala naman ito ng UNESCO at Eduation International. At taun-taon nga tuwing Oct. 5, ang tradisyonal nang ipinagdiriwang ito. 
                            Ano ang mensaheng gusto mong iparating? : Nasa iyong karanasan bilang mag-aaral kung paano mo papasalamatan ang iyong guro.Narito ang aking mensahe para sa mga guro; Dapat pasalamatan mo ang iyong guro nang buong puso at gawin mo ang dapat gawin esp. mag-aral kang mabuti at kahit maliit lang ang sweldo nila at halos hindi na nila halos mapakain ang kanilang pamilya, ginawa niyo pa rin ang lahat para maituwid ang aming landas at ilayo sa mga masamang elemento tulad ng bisyo. Karapat-dapat lang po kayong tawaging "Bayani" ay dahil isinakripisyo niyo po ang lahat para mabigyan niyo po kami ng magandang kinabukasan. Maraming salamat. 

Maraming salamat po, mahal po naming mga guro. 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento