Bilang isang Katoliko, kailangan natin siyang alalahanin, bilang isang tagapagligtas at humingi ng tulong sa kanya sa pang-araw araw na pamumuhay, at kung anu-ano pang kahilingan. Ngunit, ngayong Semana Santa, ayon sa Bibliya, sa panahong ito ay kung saan si Hesus ay nagpakasakit, nagsakripisyo at namatay hindi sa dahil sa kanyang mabigat na kasalanan na kanyang ginawa at kundi para iligtas at itubos tayo sa ating mga kasalanan. Ngunit kapag sa ganitong panahon, hindi tayo pahuhuli kapag tradisyon na ang pinaguusapan na talagang taun-taon na lang ating ginagawa. Anu-ano nga ba iyong mga tradisyon na ating ginagawa tuwing Kuwaresma?
Ayon sa Katolismong konsepto, nagsisimula ang panahon ng Kuwaresma tuwing Ash Wednesday, on iyong paglalagay ng abo sa ating noo tuwing huling linggo ng Pebrero sa araw ng Miyerkules, pinaalala nito, na tao ay galing sa abo, kaya dapat magbalik loob sa kanya at magbago. Ang mga abo na nilalagay sa ating noo, ay gawa sa sinunog na palaspas.
Ang Linggo ng Palaspas, ay ipinagdiriwang naman tuwing unang, ikalawa , ikatlo o ikaapat, dipende sa gustong itapat ng Katolika, ito ay pag-alala na si Hesus ay matagumpay na nakatapak sa Jerusalem, sinalubong siya ng kanyang mga kababayan gamit ang isang sanga ng puno na tawag ay palaspas at ito ang simula ng Semana Santa.
Tuwing Byernes Santo naman, tradisyon na sa San Fernando, Pampanga ang pagpapapako sa krus, ayon mismo sa mga gumagawa nito, ito raw ang tanging paraan nila para pasalamatan ang Diyos dahil sa himalang ginawa nito sa kanila o sa kanilang pamilya. Kapag pumatak na ng alas-3 ng hapon (ang oras ng pagpanaw ni Hesus), tahimik ang paligid, saradong istasyon ng telebisyon o radyo, pagsasara ng mga negosyo at patuloy na pagdasal ng ating mga kababayang Katoliko.
Tuwing Huwebes Santo naman, mapa bata o matanda man, ay nagbi- Visita Iglesia, ito ay ang pagbisita sa 17 simbahan dito sa Metro Manila. O karamihan sa atin, ay pumupunta ng Grotto, kung saan bibisitahin naman natin ang mga stasyon ng krus o Stations of the Cross sa terminolohiyang Ingles.
Tuwing Sabado De Gloria naman, nagsasagawa naman sila ng Easter Vigil, bilang paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay. At sa mismong Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday), nagdiriwang ang simbahang Katoliko at ng buong Pilipino ang muling pagkabuhay ni Hesus sa kanyang pinaglibingan, bilang ganti sa kanyang sakrispisyo. Nagsasagawa ang mga simbahan, ng mga misa ukol sa pagdiriwang na ito.
May mga tradisyon tayong ating ginagawa taun-taon, tulad ng pagdadrama ng senakulo at pagbabasa ng Pasyon.
May mga pamahiin naman tayo na dapat sundin, tulad ng hindi pagkain ng baboy, hindi pagiingay tuwing Biyernes Santo, bawal masugatan, at kung anu-ano pang mga pamahiin.
Ano nga ba ang mensahe na ating naririnig tuwing panahong ito? Ang magbalik loob sa kanya, alalahanin siya at tanggapin siya sa ating puso bilang kanyang Tagapagligtas. Hindi mo na kailangan magpenitensya para tubusin ang kasalanang iyong ginawa, magdasal, mangako at gawin, iyan ang dapat mong gawin upang mapatawad ka ni di lang Hesus kundi ang mga taong ginawan mo nang kasalanan.
Isang makahulungang pagdiriwang ng Semana Santa ang sana'y sumainyo.
For More Information that you need this Lenten Season, visit: http://pni2012blog.blogspot.com/2012/03/semana-santa-2012-phl-news-and.html
Copyright@PNI. All Rights Reserved.
Source: Wikipedia.org
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento