November 2000 hanggang December, 2001, naganap ang paglilitis kay Estrada at ngayong pagpasok ng taong 2012, January 16, isang pinuno ng hudikatura ang inakusahan ng pagtataksil sa taumbayan, siya ay si Renato C. Corona, kilala bilang midnight appointee ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ilang araw bago ang impeachment, sinabi na ni Pnoy, na uusigin niya ang mga midnight appointees ni Arroyo, suportado naman si ang taumbayan dito, anila, ang impeachment na ito ang magsisilbing pagputol sa imahe ng korupsyon sa nakaraang 9 na taon. Ang Complaint ay pinirmahan ng mga Representates ng Kongreso at tuluyang binigyang bisa ng Senado ang artikulong ito, dito na nagsimula ang laban para sa katotohanan. Ngunit, bago magkaalaman, ano nga ba ang silbi ng impeachment sa bansa at bakit kailangang bantayan ito ng taumbayan?
-ANO ANG IMPEACHMENT?
*Ito ay ang proseso na nakasaad sa Saligang Batas ng 1987, kung saan nililitis ang isang pinuno base sa nagawa nito kasalanan sa ating bansa.
-SINU-SINONG MGA OPISYAL ANG PWEDENG MA-IMPEACH?
*Ayon sa Saligang Batas, ang Pangulo, Ikalawang Pangulo, Namumuno sa Hudikatura, Namumuno sa Ahensiyang Pang-Konstitusyon at mga Ombudsman ay pwedeng ma-impeach.
-ANU-ANO MINSAN ANG MGA GROUNDS SA IMPEACHMENT LABAN SA OPISYAL NA NA-IMPEACH?
*Kadalasan, ang mga grounds ng impeachment ay ang mga case of Betraying of Public Trust o Pasira ng tiwala ng taumbayan, Graft and Corruption o korupsyon na kanyang ginawa at Violation of the Constitution o paglabag sa Saligang Batas.
-SAAN NGA BA DINIDINIG ANG KASO NG NA-IMPEACHED?
*Kadalasan, sa Senado, dinidinig ang kaso, dahil ito ay may malaking ginagampanan sa Impeachment proceedings, ito'y binubuo ng mga senador na magsisilbing senate-judges, ang manunumo ng trial na kadalasan ang Senate President ang nasa posisyon, mga prosekyusyon na uusig sa na-impeach at ang Dipensa na pabor sa na-impeached. Kadalasan, nagtatagal ang trial, dahil sa pagrerepresenta ng mga Artikulo na naglalaman ng ebidensya dipensa base sa kaso nito, maaaring magbago ang pagkakasunud-sunod nito dipende kung ito'y papayag ng Senate president. Ang mga witnesses sa trial ay dumadaan sa cross-examination upang sa pagkakataong iyon, magsasabi lamang ng pawang katotohanan ang witness. Sa paghahatol naman, kung sapat nang matibay ang iyong ebidensya, maaaring mag-botohan sa hatol, kung ang na-impeach ay convicted o hindi. Ang presiding officer ng Impeachment Trial ay naka-depende kung sino ang nasasakdal, tulad na lang noong 2001, nang ma impeached si Estrada, naging presiding officer ang dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Hilario Davide Jr.
-BAKIT MAHALAGANG TUNGHAYAN ITO NG TAUMBAYAN?
*Ito kasi ang nakikita nilang pagkakamali ng pagtitiwala, tulad sa eleksyon. Bilang isang demokratikong bansa, mahalaga na malaman ng taumbayan ang trial na ito dahil sila rin ay mag-iisip na kanilang pagtitiwala at sila'y may karapatan na husgahan ang kanilang pinagtiwalaang opisyal.
-Ikaw at ang News and Information ay katuwang sa pagbabantay, pagsusuri at paghuhusga sa isang makasaysayang paglilitis tungo sa kampanya ni Pnoy sa tuwid na landas, kaya manatiling nakatutok sa News and Information para sa iba pang Impeachment updates. Ikaw ang magsisimula ng daan tungo sa Matuwid.
-Ikaw at ang News and Information ay katuwang sa pagbabantay, pagsusuri at paghuhusga sa isang makasaysayang paglilitis tungo sa kampanya ni Pnoy sa tuwid na landas, kaya manatiling nakatutok sa News and Information para sa iba pang Impeachment updates. Ikaw ang magsisimula ng daan tungo sa Matuwid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento