Sabado, Agosto 27, 2011

Think Before You Click

                           Ang mga elementong ito ay nakakatulong sa paghubog sa ating pagkatao, minsan ang ating ginagawa ay makibalita, ipakita ang talento , maki-uso atbp. Ang mga ito ay nabago na ng Social Networking Sites. Anong nga ang SNS? Ito ang ay mga elemento at pwede na ring ibilang sa elemento ng Media, na nakakatulong sa komunikasyon, at ito rin ay bahagi ng globalisasyon at isa ring hangarin sa kapayapaang pandaigdig, ngunit kung ikaw mismo ang user ay nakakatanggap ng mga negatibo komento, tweet at mensahe, may karapatan kang bigyan siya ng kaukulang aksyon, at isa na rito ang GMA News and Public Affairs, binuo nila ang kampanyang "Think Before You Click" sa pangunguna ng gmanews.tv editor-in-chief Howie Serino, mga artistang sina Iza Calzado at Maxene Magalona, Momoy Palaboy, Carlos Celdran atbp. Ano nga ang kampanyang ito, at paano ka aaksyon kung ikaw ay biktima na nang Social Net Bullying.
                          Ayon sa mga eksperto, higit sa ilang mga Pilipino ang nakakaranas ng ganitong pang-aabuso, sila na iyong mga napadalhan ng negatibong komento, tweets at mensahe. Bakit nga ba nangyayari ito? Una, dahil ayaw ng mga nakakakita ng mga post mo kung ano ang iyong ginagawa, ikalawa, lalo na sa picture mo na nakakahiyang tingnan. At talaga naman, ito rin ang gamit ng mga kawatan para bigayn sila ng kahihiyan, halimbawa kapag may sex video na nakakalat sa Facebook, alam at bumababa ang tingin ng mismong nakakita ng video sa taong involve sa video. At ayon sa mga pulis, dumarami na rin ang social networking involve crime o ang ibig sabihin mga krimeng nagiging dahilan ang social netwoking sites. Cyber crime na ata ang pinaka-kasuklam suklam na maaring mangyari sa buhay mo, well better think, kapag may important notes, pictures atbp. na naka-save sa account, kawawa ka. Kaya ang pinakamagandang gawin, ay ang mag-ingat. Una kapag sa Facebook, huwag ibigay ang importante impormasyon mo, lalo kung ang isa sa mga ito ay ang iyong password tulad nang petsa ng birthday mo at huwag ibigay ang iyong kumpletong address sa halip ibigay niyo lang ang siyudad at kung saang probinsya kayo nakatira, dahil ayon na rin sa pulisya, ang pagbibigay ng kumpletong address sa mga  hindi kakilalang tao ang nagiging ugat ng krimen at higit sa lahat, huwag kang mag-post ng iyong mga sitwasyon at iyong nararamdaman dahil ito rin ang ugat ng SNS Bullying. Sa Twitter naman, huwag mag-tweet nang mag-tweet ng iyong situation at iyong nararamdaman sa buhay o kung saan kayo pupunta dahil tulad ng na-type ko ito rin ang nagiging dahilan ng SNS Bullying sa pamamagitan ng pagpapadala ng negative tweets. Be responsible in using social media.
                          Ang SNS ay isa sa mga dahilan ng pagbabago ng ating buhay, ngunit sana hindi natin bigyan ng masamang isyu at komento kapag nakita mo ang post ng kaibigan mo. Maging reponsableng Social Networking User.


     "Bago i-post ang nasa isip mo... Think before you Click"  - Howie Severino

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento