Panahon ng Pagtuklas at Pamamahala ng Espanya sa Pilipinas:
Lapu-Lapu - (1491-1542) Kauna-unahang bayaning Pilipino. Matagumpay niyang napatay si Ferdinand Magellan noong Abril 27, 1521 sa Mactan, Cebu, ang labanan ng Mactan.
Lakan Dula - unang nag-alsa sa pamahalaan dahil sa hindi makatwirang pagbabayad ng buwais noong 1574.
Agustin De Legazpi ,Martin Pangan ,Juan Basi, Magat Salamat , Felipe Salonga at Juan Banal- nakipagsabwatan sa datu ng Tondo, Pampanga at Cuyo na labanan ang Kastila noong 1587-1588.
Magalat- nag-alsa sa pamahalaan dahil sa pagtutol sa buwis na patakaran noong 1596.
Mga taga-Gaddang ng Cagayan- nag-alsa sa pamahalaan dahil sa pagmamalabis ng mga Kastila dahil utos na sapilitang pagpapagawa, at pagkuha ng kanilang ani nang walang bayad noong 1621.
Tamblot at Bangkaw- tumutol sa rehiyong Katolisismo sa halip kahit alam niyang mapanganib itinuloy pa rin niya ang kanyang pangangaral noong 1621-1622.
Juan Ponce Sumuroy - nag-alsa sa pamahalaan dahil sa pagkalap ng mga manggagawa sa Luzon patungong Visayas na kanyang tinutulan noong 1649.
Francisco Maniago - nag-alsa sa pamahalaan dahil sa hindi pagbayad sa mga manggagawa na tagaputol ng punongkahoy na gagamitin sa paggawa ng barko noong 1660.
Andres Malong at Gumapos - Si Malong ay nag-alsa sa Pangasinan at napatay nila ang gobernador sibil ng nasabing probinsya, habang si Gumapos naman ay nag-alsa sa Ilocos noong
Tapar - nag-alsa sa rehiyong Katolisismo sa halip itinuring ang sarili bilang Diyos noong 1663.
Francisco Dagohoy - gumawa ng pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan, nagtagal mula 1744-1828 ang kaniyang pag-aalsa laban sa gobyerno ng Bohol.
Diego Silang - Bayani ng Ilocos Sur , napatalsik ang gobernador ng Ilocos. Nag-alsa sa gobyerno dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng tributo at pag-papa iral ng polo sa probinsya noong 1762-1763.
Juan Palaris- Bayani ng Pangasinan, nag-alsa sa gobyerno dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng tributo.
Apolinario dela Cruz - itinatag ang Confradia de San Jose na may layuning tutulan ang Katolisismo noong 1840-1841.
Mariano Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora- tatlong paring martir na walang kinalaman sa pag-aalsang ginawa sa Cavite, sa hindi makatarungang pagbitay sa kanila naging simbolo at nagising ang Pilipinas sa diwang Liberal.
Pagsiklap ng Nasyonalismong Pilipino:
Jose Rizal , Marcelo H. Del Pilar , Graciano Lopez Jaena , Jose Maria Panganiban , Antonio Luna , at Mariano Ponce- ang mga mamahayag at mga edukadong tao, nag-alsa sila sa Espanya sa pamamagitan ng pluma at panulat, simbolo ng pakikipaglaban sa mapayapang pamamaraan.
Andress Bonifacio, Emilio Jacinto , Melchora Aquino , Trinidad Tecson , Gregoria De Jesus, Teresa Magbanua , at Marina Dizon Santiago - mga taong nakipag-laban sa Imperyo sa pamamagitan ng itak, simbolo ng dahas na pakikipaglaban tungo sa kalayaan.
Emilio Aguinaldo - nagbigay ng kalayaan mula sa Imperyo noong ika-12 ng Hunyo ,1898. Unang pangulo ng Pilipinas.
Digmaang Pilipino-Amerikano
Apolinario Mabini- Utak ng himagsikan, kauna-unahang punong ministro ng bansa.
Antonio Luna - dalubhasa at magaling pagdating sa pakikipag-digma, siya'y napatay ng kanyang kapwa Pilipino dahil sa kanyang pag-uugali noong ika-5 ng Hulyo, 1899
Gregorio Del Pilar -hindi hadlang ang kanyang kabataan, upang maging tapat sa kanyang bayan, namatay siya dahil sa pagdepensa sa Tirad Pass upang patakasin si Aguinaldo noong ika-2 ng Disyembre 1899.
Mga Muslim- malaki ang kanilang kontribusyon sa kasaysayan dahil sa kanilang matapang na pakikipaglaban sa mga Amerikano.
Macario Sakay - nagtatag ng pamahalaang Katagalugan, dahil sa kanyang pagtutol sa pamamahala ng Amerikano.
Komenwelt at Ikalawang Republika
Manuel Quezon - kauna-unahang pangulo ng Komonwelt, binigyang karapatang bumoto ang mga kababahian.
Jose P Laurel - kahit alam niyang wala siyang kapangyarihan, tinanggap niya ang alok ng mga Hapon bilang pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas.
Jose Abad Santos - namatay siya dahil ayaw niyang tanggapin ang pagpapalipin sa mga Hapon. Galing sa kanyang ang kasabihang ; "Hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataong mamatay para sa bayan".
Douglas McArthur at Sergio Osmena - tinupad nila ang pangakong babalik sa bansa upang palayain ang bansa sa kamay ng hapon.
Luis Taruc - pinuno ng HUKBALAHAP, matapang na nilabanan ang mga Hapon.
Ikatlong Republika at Pagbagsak ng Dikaturya
Ramon Magsaysay- naging tanyag dahil sa kanyang ginawang pagpapahina sa pwersa ng komunismo sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupa.
Benigno Aquino Jr. - buong tapang na nilabanan ang Diktaturya, sa kanyang kamatayan ay nagsilbing simbolo ng pagbagsak ng Rehimeng Diktaturya.
Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos - kumalas sa rehime simbolo ng unti-unting pagbagsak ng rehime.
Sa Kasalukuyan, marami pa rin tayong mga bayaning Pilipino na nagiging matapat para sa kanilang bayan tulad ng mga pulis. Sabi ni Pnoy, "Hindi mo kailangan ng itak at pagdanak ng dugo para lang maging bayani ang kailangan mo lang ay ang wagas na pagtulong sa kapwa Pilipino", iyan ang tunay na bayani.
Date Created: August 29-30 ,2011
Source: Youtube, Textbook of Araling panlipunan
Created By: Gil Mar Moriones